Hindi pa rin interesadong dumalo sa debate ngCommission on Elections (Comelec) sa huling bahagi ng buwang ito si Vice Presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.

“We already released a statement about the debates no, I’ve already decided that I would do this campaign without joining debates,” tugon niya sa midya sa isang ambush interview nitong Sabado, Marso 12 sa Parañaque City.

“Iniiwan ko na po yan sa lahat ng ating kababayan ang pagdesisyon sa pagpili nila ng vice president na ganito yung aking direksyon sa kampanya,” aniya.

“Kung magbago man o hindi, we will let you know but as of this very moment, the decision is to conduct this campaign without joining debates.”

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Ang unang debate sa pangunguna ng Comelec para sa mga kandidato sa pagka-bise presidente ay magaganap sa Marso 20. Ang pangalawang round ay gaganapin sa Abril 23, sa pagkakataong ito sa pamamagitan town hall format

Ellson Quismorio