Niyanig ng 5.0-magnitude na lindol ang bisinidad ng Monkayo sa Davao De Oro nitong Biyernes ng gabi.
Binanggit ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang pagyanig ay naramdaman dakong 10:14 ng gabi.
Sinabi ng Phivolcs, tectonic ang sanhi ng lindol na lumikha ng lalim na 18 kilometro.
Naramdaman naman ang Intensity IV sa Rosario, Agusan del Sur at Maco, Davao de Oro habang naitala ang Intensity II sa Bayugan City, Agusan del Sur.
Babala pa ng Phivolcs, asahan ang pinsala ng pagyanig at aftershocks nito.