Super nag-alala ang mga tagahanga ni Kapuso actor Ruru Madrid matapos niyang ibahagi sa social media na naaksidente siya habang nagte-taping ng seryeng 'Lolong' sa GMA Network.

Ayon kay Ruru, minor accident lang naman daw ang nangyari, at mukhang maayos na siya. Makikita sa isang litrato na nakasuot siya ng saklay. Sa iba pa niyang mga litrato, kitang-kita ang ekspresyon ng mukha niya na mukhang sakit na sakit siya sa nangyari sa kaniya, habang inaasikaso ng mga medic.

Screengrab mula sa IG/Ruru Madrid

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Kailangan daw muna niyang magpahinga ng dalawa hanggang apat na linggo, sabi ng doktor. Ibig sabihin, tigil-taping muna siya.

"I had a minor accident a couple of days ago while taping for our upcoming show… As per the doctor’s advice, this hairline fracture requires a cast and 2-4 weeks rest. It’s unfortunate that we are packing up for now and resuming in about a month…" aniya.

Sa kabilang banda, 'looking at the brighter side' na lamang si Ruru sa mga nangyari, sa halip na magpaka-biterya ampalaya pa.

"Sad news.. but as a person who always tries to see the good in unfortunate situations, I guess I just need to remind myself that everything happens for a reason."

"Salamat po sa lahat ng nagbigay ng panalangin, pagmamahal at suporta sakin. Mahal ko kayo," sey pa niya.

Ruru Madrid (Larawan mula sa IG)

Marami naman sa mga kaibigan at kasamahan niya sa showbiz at nagpaabot ng kanilang concern at sana raw ay gumaling na kaagad ang hunk actor, para tuloy-tuloy na ang trabaho, lalo't matagal nang nabinbin ang seryeng ito.