Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na lumahok sa isasagawang earthquake drill sa Marso 10.

Ayon sa MMDA, inaanyayahan nila ang lahat na mag-Duck, Cover, and Hold sa First Quarter Online Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na gaganapin sa nasabing petsa dakong 9:00 ng umaga.

Kaisa ang MMDA sa aktibidad na pinangungunahan ng Office of the Civil Defense para sa patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng lahat laban sa lindol.

Umapela rin ang MMDA sa publiko na tumutok sa Civil Defense PH at NDRRMC Facebook pages para sa ceremonial pressing of the button ng earthquake drill at sa iba pang detalye ng aktibidad.

Internasyonal

Madir ng empleyadong namatay dahil ‘overworked’ kinalampag ang boss, ‘di nagpunta sa funeral