Ayon sa isang netizen, dinedma umano ni Unkabogable star Vice Ganda si Miss Q&A grand winner Juliana Parizcova Segovia sa naganap na coronation night ng Miss International Queen Philippines kamakailan.

Isa si Vice Ganda sa mga bigating stars na dumalo sa naganap na Miss International Queen Philippines coronation night noong Linggo sa SMX Convention Center, sa Pasay City.

Mapapansin din sa Facebook post ni Juliana ang kanyang pagdalo sa parehong event.

Ayon sa isang netizen, “sukang-suka” raw ang Unkabogable comedian kay Juliana. Maaalalang sumikat si Juliana sa segment na Miss Q&A, isang segment na pinangunahan ni Vice Ganda sa noontime show na “It’s Showtime.”

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Screengrab mula Facebook

“Hindi pinansin sa coronation night ng MIQ Philippines,” dagdag ng netizen.

Naging kontrobersyal ang pagganap ni Juliana sa kilalang serye ng “Kape Chronicles” ng direktor at manunulat na si Darryl Yap. Palag kasi ng mga Kakampink, patutsada ang mga ito kay Presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

Kasama ni Juliana sa nasabing serye si Sen. Imee Marcos, kapatid ng karibal ni Robredo sa Palasyo na si dating senador Bongbong Marcos.

Basahin: Juliana Segovia, tinalakan ng isang netizen; inungkat ang dating pahayag tungkol sa ina – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi naman malinaw sa paskil ng netizen ang dahilan ng umano’y pagdedma kay Juliana sa coronation night.

Samantala, pinag-usapan din kamakailan ang agaw-eksenang white feathery gown ni Vice Ganda sa coronaton night ng MIQ.

Si Fuschia Ann Ravena ng Cebu City ang kinoronahang kauna-unahang Miss International Queen Philippines 2022.

Basahin: ‘Cebuana, guapa!’ Kandidata ng Cebu City, kinoronahang Miss Int’l Queens PH – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid