Walang illegal sa naganap na detention ng isang konsehal ng Lopez, Quezon kamakailan.

Sa isang radio interview, iginiit ni Atty. Merito Lovensky Fernandez na ang pagkakakulong ni Lopez, Quezon Councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde sa Pangasinan ay "legal na pangyayari at hindi illegal."

Kung ito ay may asunto sa korte, ibig sabihin ay naisyuhan ito ng warrant of arrest kaya siya nakulong. So 'yung kanyang detention is not illegal. Na-detain siya because of a case and warrant of arrest na na-issue,” paliwanag nito.

Wala rin aniyang pananagutan ang korte na nagpalabas ng warrant of arrest at ang mga pulis na umaresto sa Yulde hanggang sa ito ay makulong.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

“Wala pong liability ang mga pulis at ang korte dahil may presumption of regularity po lahat 'yan. 'Yung pong mga pulis they acted on the basis of thewarrant of arrest. 'Yung judge naman po will not issue a warrant of arrest kungwala siyangnakikitang probable cause dun sa kaso, kaya siya nag-issue ng warrant. Those are legal,” aniya pa.

Kahit aniyaang fiscal na nag-imbestiga, nag-preliminary investigation ay wala ring liability.

Paliwanag ni Fernandez, "sa theory nila dahil na-dismiss ang kaso at sinasabing spuriousdaw po ang mga documents na ginamit, 'yun ang dahilan kung bakit siya nakulong, kaya serious illegal detention.

"Reregardless of the outcome of the case, kahit pa na-dismiss 'yun ay hindi puwedeng kasuhan ang complainant o 'yung nag-build up ng kaso at kasuhan ng illegal detention," aniya.

Ginamit na halimbawa ng abogado ang kaso ni Hubert Webb na nakulong ng matagal na panahon.

“Yung kaso ni Hubert Webb na nakulong ng matagal na panahon, pero pag-akyat sa Supreme Court na-reverse ang kaso at na-dismiss dahil hindi pinaniwalaan ng Supreme Court si Jessica Alfaro..Does it mean na puwedeng kasuhan ni Hubert siJessica 'pag ang NBI ang nag-build up ng kaso? Hindi po. So regardless of the outcome of the case, walang liability na serious illegal detention. This is more a political propaganda to smear the name of Rep. Helen and director Ronnel Tan than a case," pahabol na pahayag ni Fernandez.