Sunud-sunod na ang naging panalo ng Barangay Ginebra sa PBA Governor's Cup at ang huling biktima nila ay ang Rain or Shine,104-93, sa PBA Governors' Cup sa Smart-Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi.

Kumayod nang husto si Justin Brownlee sa naipong 25 puntos, 10 rebounds at pitong assists.

Apat na tres naman ang pinakawalan ni Jeff Chan sa 14 na puntos nito.

Halos triple-double naman ang ginawa ni Scottie Thompson sa kanyang 14 puntos, 17 rebounds at siyam na assists.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Sa kasalukuyan, hawak ng Ginebra ang 6-5, panalo-talo na kartada habang nabaon naman ang Elasto Painters sa 3-8 panalo-talo. 

“I think this is the right time na maipakita namin 'yung never-say-die spirit,” sabi naman ni Thompson.