Inaasahang madadagdagan pa ang₱51 milyong jackpot na nakalaan sa 6/58 lotto nang hindi ito mapanalunan sa isinagawang draw nitong Biyernes ng gabi.

Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa winning number combination na 04-39-24-48-16-53 na may nakalaang premyong ₱51,782,147.00.

Binobola ang 6/58 lotto tuwing Martes, Biyernes at Linggo ng gabi.

Sa rekord ng PCSO, isang taga-Oriental Mindoro ang pinakahuling nanalo sa 6/58 lotto kung saan nakapag-uwi ito ng₱378,750,791.20 noong Nobyembre ng nakaraang taon.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review