Proud na ipinakita ng mom-to-be at YouTuber na si Viy Cortez ang ilang pagbabago sa katawan kabilang ang pangingitim ng leeg at kili-kili habang ipinagbubuntis ang panganay na anak nila ni Lincoln Velasquez o mas kilala bilang si Cong TV.

Sa isang Facebook post nitong Lunes, hindi ikinahiya ng Skincare line founder na si Viy Cortez ang pangingitim ng kanyang leeg dala ng kanyang pagbubuntis.

Matatandaang Disyembre nakaraang taon nang ibunyag nito sa kanyang milyun-milyong subscribers na anim na linggong buntis ito. Dahil nasa ikalimang buwan na ng kanyang pagdadalang-tao, normal ang ilang pagbabago sa katawan kabilang ang pangingitim ng ilang tagong bahagi ng katawan.

“Umiitim na leeg ko dahil kay kidlat ?,” mababasa sa Facebook caption ni Viy kalakip ng kanyang larawan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag na biro nito, “pati kilikili ko para ng napaglutuan ng Samgyup.?

Larawan mula sa Facebook post no Viy Cortez

Proud namang niyayakap ng first time mom-to-be ang mga pagbabagong ito para sa kanyang panganay.

“Kahit ano gawin mo sa katawan ko kidlat okay lang maging healthy ka lang,❤️” ani Viy.

Samantala, sa isang hiwalay na Facebook post, makikitang hands-on din sa pag-aalaga sa kanyang mag-ina si Cong TV.

“Ayaw nya maipit si kidlat haha thankyou lab,❤️” mababasa sa Facebook post ni Viy kung saan makikita si Cong TV ang nagsi-shave sa kanyang binti.

Larawan mula sa Facebook post no Viy Cortez

Nauna nang ibinahagi ng Youtube couple na baby boy ang kanilang magiging panganay.