May bagong pinuno na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa katauhan ni Major General Felipe Rivera Natividad.

Sa kautusan ni Philippine National Police (PNP) Chief,General Dionardo Carlos ang opisyal na pagkakatalaga bilang bagong Regional Director ng NCRPO ni Maj. General Natividad ay epektibo nitong Marso 1,2022.

Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

Pinalitan ni Natividad si dating NCRPO Chief MGen Vicente Danao Jr. napromote at itinalaga bilang Acting Chief of Directorial Staff ng PNP sa parehong petsa.

Noong Nobyembre 2020 nagsimulang umupo sa puwesto bilang hepe ng NCRPO si Danao na kahalili noon ni dating PNP Chief General Debold Sinas.