Nakaharap ng English teacher na si Sue Ellene Paez si Dagul at anak nitong si Rojen para pormal na kunin ang kustodiya ng mga anak.

Dumulog si Sue sa programa ng “Raffy Tulfo in Action” noong Enero 19 upang bawiin ang dalawang anak na nasa puder ng pamilya ni Dagul.

Matapos ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mag-asawa na si Sue at Rojen na nauwi sa hiwalayan, nais ng ina na tuluyan nang humiwalay sa puder ng kanyang asawa.

Handa naman si Dagul na ibigay ang kanyang mga apo kay Sue sa isang kondisyon.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Kung papayag siya, hihiramin namin kung ipahiram niya. Pwede namang kunin kung kailan gusto niya,”ani Dagul.

“Sana huwag niya naman kami pagdamutan sa bata na ma[layo] sa amin, kasi mahal din namin eh,” dagdag ng komedyante.

Sang-ayon naman si Sue sa nais na mangyari ng pamilya ni Dagul.

“Mahal kayo ng mga bata, kayo nag-alaga niyan. Hindi ko ‘yan ipagkakait sa inyo. Kilalang-kilala niyo ko na pagdating sa bata, hindi ko ugaling idamay ang bata ‘pag may mga isyu tayo,’ ani Sue.

Nagpasalamat din ang guro sa pagiging mabuting tatay ni Dagul sa kanya.

“Thank you dahil ‘di mo talaga pinabayaan ang mga bata. Between sa ating dalawa, naging mabuti ka sa ‘king tatay. Talaga honesly, naging mabuti sa akin si Sir Dagul,” ani Sue.

Matapos ang diskusyon sa ilan pang isyu ng mag-asawa at pumili mismo ang mga bata kung kanino sasama, napagkasunduan ng parehong panig na si Sue ang mangalaga sa kanyang mga anak.

Gayunpaman, papayagan ng ina na dalawang araw na bumisita sa pamilya ni Dagul ang mga bata sa bawat katapusan ng buwan.