Naitala na ng gobyerno ang kabuuang 56,224 namatay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ay nang maidagdag ang 59 panibagong namatay sa sakit nitong Pebrero 25.

Nadagdagan din ng 1,671 ang kaso ng COVID-19 sa bansa kaya umabot na ito sa kabuuang 3,658,892.

Naitala rin ng Department of Health (DOH) ang dagdag na 1,586 habang aabot naman sa 55,140 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Nanatili namang mataas ang bilang ng mild cases na umabot pa sa 49,988.

Umapela rin ang DOH sa publiko na panatilihin sumunod sa health protocols upang tuluy-tuloy na ang pagbaba ng kaso ng sakit.