QUEZON -- Nasawi ang isang electrical engineer at driver habang tatlo ang sugatan nang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyan trak nitong Martes ng umaga sa Barangay Magsaysay, Infanta-Maharlika road sa Infanta, Quezon.

Sa ulat ng Quezon Police public information officer Lt. Lovelyn Lalunio mula sa Infanta PNP kinilala ang mga namatay na sina Joseph Galang, 47, at Roberto Vicente, 58, driver, residente sa Calumpit, Bulacan.

Sugatan sina Archie Vicente, 30; Norly Buco, 32; at Marilou Sangil. Hindi naman nasaktan ang isa pa nilang kasama na si Virgilio Chico, 34. Sila ay pawang mga taga Calumpit, Bulacan.

Dakong alas- 9:45 ng umaga ang Mitsubishi Canter truck na may plakang RCW 195 ay binabagtas ang nasabing lugar galing Calumpit, Bulacan patungo ng Infanta upang ideliver ang kargadong construction materials.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon kay Chico pagsapit nila sa nasabing lugar ay nawalan ng preno ang trak hanggang bumulusok at nahulog sa bangin na may lalim na 20 talampakan.

Rumesponde ang Municipal Emergency Rescue Team at Infanta PNP at nagsagawa ng rescue operation at dinala ang mga biktima sa pagamutan, subalit ang mga nasawi ay hindi na umabot pa ng buhay.