Dahil nangunguna pa rin sa "killer disease" o nakamamatay na sakit ang atake sa puso, kailangang itakwil at iwasan ang paggamit ng "industrially produced trans fatty acids (TFA)" o mamantikang mga pagkain.
Pinagtibay ng House committee on ways and means sa pamumuno ni Albay Rep. Joey Salceda ang House Bill 9083 at apat pang katulad na panukala upang ang atake sa puso at stroke ay maiwasan. Ang COVID-19 disease ay pang-anim lang sa killer disease sa bansa.
Ang high trans fat intake o masyadong mamantika at masebong pagkain ay napatunayang nagiging dahilan ng cholesterol build-up sa mga ugat – "and increase in coronary heart disease morbidity and mortality risk by 21 percent and 28 percent, respectively – among individuals."
Ang sakit sa puso o coronary heart disease ay nananatiling nangungunang dahilan ng kamatayan ng mga tao sa mundo.
Ang isang mahalagang bahagi ng anti-TFA measure ay ang Section 25 ng HB 9083 na inakda Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, na nagsasaad na ang importasyon ng laboratory equipment para sa pagsusuri sa TFA ay magiging libre sa pagbabayad ng customs duties at taxes.”
“TFAs have no health benefits. Based on the pronouncements of the World Health Organization (WHO), eliminating TFA from our diet is one of the simplest public health interventions to reduce the risk of coronary heart disease and improve nutritional quality of our food,” ayon kay Villalfuerte.
Ang trans fat ay tinatawag ding "trans-unsaturated fatty acids or trans fatty acids." Ang pagkain ng gayong mga asido ay nagpapalala sa atherosclerosis o ang pagkapal at pagtigas ng mga ugat.
Ayon sa pag-aaral, ang unsaturated fatty acid ay matatagpuan sa margarine at manufactured cooking oil, resulta ng hydrogenation process o ng "trans arrangement of carbon atoms adjacent to their double bonds"
Inaprubahan ng komite ni Salceda ang mga tax provision ng Villafuerte bill at ibang pang katulad na mga panukala na naglalayong ma-regulate ang mga pagkain o food products na may TFAs.
Bert de Guzman