ORIENTAL MINDORO - Naaresto ang isang bagitong pulis nang tangkain umano nitong pagnakawan ang isang commercial establishmentsa Gloria ng naturang lalawigan nitong Biyernes ng gabi.

Nasa kustodiya na ng Gloria Municipal Police ang suspek na siCorporal Leonell Maranan, 31, taga-Sta. Cruz, Calapan, Oriental Mindoro at nakatalaga saTechnical Support Company, Regional Mobile Force Battalion Region-4B.

Sinabi ni Police Regional Office MIMAROPA (Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) chief,Brigadier General Sidney Hernia,

Si Maranan ay inaresto ng dalawang barangay tanod nang tangkain umano nitong pagnakawan ang ABC3 Hardware na pag-aari ni Allan Mantaring, 60.

Probinsya

Magkakaibang parte ng katawan ng tao, natagpuan sa Marilaque Highway

Nasamsam sa lugar ang mga plies, screwdrivers at martilyo na pinaniniwalaang ginamit ni Maranan sa tangkang pagnanakaw.

View Post

Bukod dito, nakumpiska rin ng pulisya ang service firearm nito na isangBeretta cal. 9mm na may magazine, mga bala at isang kopya ng certificate of authority ng baril na ibinigay ng Commission on Elections.

Paliwanag naman ni municipal police commander Maj. Edwin Villarba, nalulong umano sa online "sabong" o "talpak" si Maranan at malaking pera na ang natalo sa kanya.

Jerry Alcayde