Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) sa Quezon City ngayong weekend.

Sa inilabas na advisory ng Department of Public Works and Highways (DPWH), isasagawa ang pagsasaayos ng intermittent sections mula sa EDSA Boni Serrano hanggang P. Tuazon katabi ng sidewalk at service road at intermittent sections mula P. Tuazon hanggang Cubao Farmers main road sa tabi ng street railings at section road.

Sisimulan ang pagsasara ng mga daan sa ngayong Biyernes, Pebrero 18 dakong alas-11 ng gabi.

Bubuksan sa mga motorista ang mga nasabing apektadong kalsada sa darating na Lunes, Pebrero 21 sa ganap na 5:00 ng madaling araw.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Pinapaalalahanan ang mga motorista na dumaan sa ibang lanes upang hindi maabala.

Bella Gamotea