Umaabot na lamang sa 2,010 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH) nitong Martes, Pebrero 15.
Ang naturang bilang ay mas mababa pa kumpara sa 2,730 new cases lamang na naitala ng DOH noong Lunes, Pebrero 14.
Batay sa case bulletin #703, ang Pilipinas ay mayroon na ngayong kabuuang 3,641,940 COVID-19 cases.
Sa naturang bilang, 2.0% na lamang naman o 72,305 ang mga aktibong kaso pa o maaari pang makahawa.
Karamihan naman sa mga aktibong kaso ay pawang mild cases lamang na nasa 66,093 habang ang 1,498 naman ay asymptomatic o walang nararamdamang anumang sintomas.
Nasa 2,961 naman ang moderate cases, 1,441 ang severe cases at 312 ang kritikal.
Nakapagtala rin naman ang DOH ng 6,293 na mga pasyenteng gumaling na mula sa karamdaman.
Sa ngayon ang total COVID-19 recoveries sa bansa ay umaabot na sa 3,514,489 o 96.5% ng total cases.
Mayroon rin namang naitalang 52 na pasyenteng namatay dahil sa COVID-19.
Sa kabuuan, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 55,146 COVID-19 deaths o 1.51% ng total cases.Mary Ann Santiago