Tumama sa karagatan ng Cagayan ang magnitude 5.4 na lindol nitong Linggo ng hapon.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 12:36 ng hapon nang maitala ang pagyanig sa layong 16 kilometro hilagang kanluran ng Dalupiri Island sa Calayan.
Naitala rin ng Phivolcs ang Intensity V sa Calayan.
Ang pagyanig na lumikha ng 36 kilometrong lalim ay dulot ng tectonic, ayon pa sa ahensya.