May 25, 2026

Home BALITA National

SP Cayetano sa posibleng kudeta ulit sa Senado: 'Buo yung 13, sa 13, walang onsehan!'

SP Cayetano sa posibleng kudeta ulit sa Senado: 'Buo yung 13, sa 13, walang onsehan!'
Photo courtesy: MB File Photo

May simpleng sagot si Senate President Alan Peter Cayetano sa tanong ng media kung posible ulit ang pagbabago sa liderato ng Senado, nitong Lunes, Mayo 25.

Sa ambush interview ng ilang miyembro ng media kay SP Cayetano habang nasa Senado, sinabi ng Senate President na nananatiling buo ang "13" at walang onsehang nagaganap, o paglipat ng bloc.

Ang "13" na tinutukoy ni Cayetano ay ang bilang majority bloc, na naging dahilan kung bakit naluklok siya sa posisyon, at napatalsik si dating Senate President Tito Sotto III.

Bukod kay SP Cayetano, ang iba pang bumubuo sa Senate majority bloc ay sina Sen. Pia Cayetano, Sen. Robin Padilla, Sen. Bong Go, Sen. Imee Marcos, Sen. Mark Villar, Sen. Camille Villar, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Joel Villanueva, Sen. Loren Legarda, Sen. Rodante Marcoleta, Sen. Chiz Escudero, at Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa.

"Buo yung 13, sa 13, walang onsehan," simpleng sagot ni Cayetano, na nangangahulugang wala pang numero para mapalitan siya bilang Senate President.

National

Anak ni Enrile matapos bakbakan dahil 'pinalagan' si SP Cayetano: 'Di ba puwedeng may isang anak lang na nagsasalita bilang anak?'

Matatandaang kinumpirma ng isa sa mga miyembro ng Senate minority bloc na si dating Senate President Pro Tempore Ping Lacson, na may plano pa rin ang kanilang bloc na mapalitan si Cayetano, at ang isinusulong nilang maging SP ay si Sen. Win Gatchalian.

Maki-Balita: 'May kakayahan, matatag, patas!' SB-11, buo suporta kay Sen. Gatchalian—Sen. Pangilinan

Pero ayon kay Sen. Risa Hontiveros, nananatiling 11 ang bilang ng mga senador na nasa minority bloc, na kinabibilangan niya, si dating Senate President Tito Sotto III, Sen. Lacson, Sen. Lito Lapid, Sen. Kiko Pangilinan, magkapatid na Sen. Raffy at Erwin Tulfo, Sen. Bam Aquino, ang isinusulong nilang maging SP na si Sen. Win Gatchalian, at ang dating independent na sina Sen. Juan Miguel Zubiri at Sen. JV Ejercito na mas piniling ma-associate sa "SB-11" o Solid Bloc 11.

Maki-Balita: 'Solid pa rin kaming 11!' Minority bloc, tutok sa mga panukalang batas, impeachment trial