Naglabas ng panibagong pahayag ang anak ng pumanaw na dating senate president at special adviser to the president na si Juan Ponce Enrile, na si Katrina Ponce Enrile, upang linawin ang naging komento niya kaugnay ng mga naging pahayag ni Senate President Alan Peter Cayetano patungkol sa kaniyang ama.
Tila "inalmahan" at nilinaw kasi ni Katrina ang tunay na relasyon ni SP Cayetano sa kaniyang ama, na ibinida ng Senate President na tinatawag niyang "uncle."
Para kay SP Alan, kapag ang isang tao ay tinawag niyang "uncle," may malapit at malalim silang ugnayan sa isa't isa.
Matatandaang pumanaw si JPE noong Nobyembre 2025.
Bagay na nilinaw naman ni Katrina sa kaniyang Facebook post noong Mayo 14, ilang araw matapos maluklok bilang lider ng Senado si Cayetano.
"Our family has taken note of the remarks recently attributed to Senate President Alan Peter Cayetano regarding his relationship with our father, former Senate President Juan Ponce Enrile," mababasa sa post ni Katrina.
Sa pagpapatuloy, "The Cayetano and Enrile families have indeed known each other for many decades, and we do not deny the history and familiarity that existed between them."
"However, genuine relationships are not measured solely by words spoken publicly after a person has passed. They are measured by presence, sincerity, and the quiet acts of respect shown to a grieving family during moments of profound loss."
"During the necrological services held in the Senate and throughout the difficult days surrounding our father’s passing, our family could not help but notice who chose to be present — and who did not."
"For this reason, recent public declarations of closeness, while noted, inevitably strike our family with a certain sadness and disappointment."
"Our father’s legacy, sacrifices, and decades of service to the nation should never be revisited only when convenient, politically useful, or publicly advantageous. He deserved sincerity in life, dignity in death, and peace in memory."
"Despite our personal feelings, we continue to uphold the values of grace and restraint that our father himself carried throughout his long public life."
"We pray that all who invoke his name do so with honesty, consistency, and genuine respect," saad pa ni Katrina.
BINATIKOS NG MGA TAGASUPORTA NI CAYETANO, DDS
Sa isang mahabang social media post nitong Lunes, Mayo 25, naglabas ng sentimyento si Katrina tungkol sa mga umano'y natatanggap na pambabatikos at natatanggap na pagle-label sa kaniya at sa kaniyang pamilya patungkol sa political stand nila, matapos ang naging pahayag ng nila patungkol sa umano'y close relationships nina Cayetano at pumanaw na ama.
Aniya, nakakapagod na umano ang kultura ngayon kung saan agad ikinakabit ang isang tao sa iba’t ibang kampong politikal tulad ng “DDS,” “anti-DDS,” “pro-Marcos,” o “anti-Marcos.”
Ayon sa kaniya, nais lamang niyang magsalita bilang anak na may sariling alaala, karanasan, at pananaw hinggil sa mga personal na bagay na matagal niyang piniling manahimik tungkol.
"Hindi ba puwedeng may isang anak lang na nagsasalita bilang anak?" saad ni Katrina.
"Hindi ba puwedeng may isang tao lang na may sariling alaala, sariling karanasan, at sariling pananaw tungkol sa mga bagay na personal niyang nasaksihan at piniling manahimik tungkol sa loob ng maraming taon?" dagdag pa.
Nilinaw rin niya na ang kaniyang naging pahayag ay hindi umano layuning umatake o magtanggol ng anumang political camp.
Aniya, mas personal ang kaniyang pinanggagalingan kaysa sa pulitika, ngunit tila nawawala na raw sa kasalukuyang panahon ang puwang para sa nuance, konteksto, at simpleng emosyon ng tao dahil lahat ay binibigyan agad ng kulay politikal.
Binigyang-diin din niya na hindi siya ang unang nagsalita tungkol sa kaniyang ama. Ayon sa kaniya, may mga nauna nang naglabas ng pahayag kaya nagpasya rin siyang ibahagi ang kaniyang sariling saloobin at karanasan bilang anak.
Dagdag pa niya, wala siyang kontrol sa kung paano ito bibigyang-kahulugan, palalakihin, o ikakalat ng ibang tao sa social media.
Sa kabila nito, sinabi niyang bukas siya sa lahat ng komento at reaksiyon ng publiko.
Ayon pa sa kaniya, habang mas maraming nagsasalita online, mas nakikita umano ang mababang kalidad ng diskurso sa lipunan dahil sa mabilis na pagkakahati-hati ng mga tao sa iba’t ibang kampo.
“Bawat statement kailangang gawing digmaan. Bawat opinyon kailangang lagyan ng motibo. Bawat emosyon kailangang pagdudahan,” bahagi ng kaniyang post.
Ipinunto rin niya na hindi lahat ng nagsasalita ay naghahanap ng atensiyon o nais makisawsaw sa politika. Minsan umano, nagsasalita lamang ang isang tao dahil mayroon siyang sariling katotohanan at personal na karanasang pinanghahawakan.
"Minsan, nagsasalita lang siya dahil may katotohanan siyang pinanggagalingan."
"At bilang anak, may mga bagay akong hindi basta mabubura ng ingay ng social media o ng paulit-ulit na pagtatangka na gawing simpleng political narrative ang isang bagay na mas malalim at mas personal kaysa doon," aniya pa.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na tugon si Cayetano hinggil sa naturang pahayag.