Inamin ni Kapamilya actress Barbie Imperial na kung may isang celebrity man sa showbiz na naibabahagi niya ang mga nangyayari sa kaniya, ito ay walang iba kundi si Angelica Panganiban.

Sa presscon ng digital series para sa iWantTFC na 'The Goodbye Girl', sinabi ni Barbie na halos lahat umano ng mga desisyon niya sa buhay ay isinasangguni niya sa co-star na si Angge. Magmula sa skin care hanggang sa love advices, isinasangguni ni Barbie kay Angge. Pakiramdam daw niya ay naambunan na siya ng wisdom ni Angelica sa mga bagay-bagay.

"Si Ate Angge talaga lahat ng desisyon ko sa buhay iti-text ko talaga siya. Kahit sa skin care, sa ganito, sa ganyan iti-text ko siya. Feeling ko naambunan na ako. Paambon ni Ms. Angelica Panganiban," aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Netizens laud Angelica Panganiban for new video against 'scammers' – Manila  Bulletin
Angelica Panganiban (Larawan mula sa Manila Bulletin/IG)

Dito rin ay naibahagi ni Barbie ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Diego.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/13/the-goodbye-girl-barbie-binasag-na-ang-katahimikan-bakit-nag-babu-kay-diego/

“I think I’ve said this before a lot of times already. Hindi ako mabilis mag-give up na girlfriend. But if I feel like the other person is not growing with me, that’s the time I say goodbye na talaga."

"Kasi para saan pa ako mag-stay if parang wala na akong naaambag sa growth mo?” ani Barbie.

“Based on experience, ako din ang nag-gu-goodbye. Some hindi pero noong nag-grow na ako, na-realize ko na maganda rin pala na nag-gu-goodbye ka nang maayos kahit gaano pa kasakit."

"Kasi pumasok ka sa relasyon pinaalam mo eh. So alis ka, ipaalam mo rin. May mga umaalis din na ginagawa nila yung tama. May mga umaalis na napagod,” she also said. May mga umaalis na niloko. So for me, siguro sa hindi na lang mas masakit na pag-alis. Yung pag umalis ka dahil mahal mo na yung sarili mo.”

Kaya naman, may payo siya sa mga taong 'iniwan' ng kanilang mga karelasyon.

“Siguro ang mapapayo ko sa mga iniwan, i-take mo lang yung lahat ng time para mag-heal. Hindi mo kailangan madaliin and pag na-feel mo na ready ka na bumangon, ituloy-tuloy mo lang. Yung healing naman kasi hindi siya tuloy-tuloy. May mga days pa rin na paakyat ka na bababa then tataas.”

“You just have to remember that this is life eh. We get hurt but we learn from it. So doon sa experience na 'yun may makukuha tayo so okay lang na masaktan. Tao ka lang naman,” aniya.

Samantala, hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni Diego tungkol sa detalye ng hiwalayan nila ni Barbie.