Unti-unti nang dumarami ang trabaho sa ibang bansa na naghihintay sa mga Pinoy sa kabila ng nararanasang pandemya, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Paliwanag niPOEA deputy administrator Bong Plan, bukas ang mga trabaho sa mga nurses,truck drivers, at sa sektor ng Information Technology (IT).

Gayunman, ipinaliwanag ng opisyal na mababa ang demand para sa mga Pinoy workers kumpara noong hindi pa nararanasan ang pandemya. Aniya, unti-unti nang tumataas ang pangangailangan sa mga manggagawang Pinoy.

Binanggit din nito na pinaplantsa na nila ang mga patakaran para sa pagpapatuloy ng pagpapadala ng mga manggagawa sa Taiwan kasunod na rin ng kautusan ng nasabing bansa na maaari na silang tumanggap ng migrant workers.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs