Pinalawig pa ng Social Security System (SSS) ang contribution payment deadline sa mga lugar na binayo ng bagyong 'Odette' nitong nakaraang taon.

Inihayag ni SSS president, CEO Aurora Ignacio, binibigyan nila ng hanggang Pebrero 28 ang mga miyembro upang mabayara =n ang kanilang kontribusyon.

Nakapaloob aniya ito sa SSS Circular No. 2022-004 na may petsang Pebrero 9 ng taon.

Aniya, ang mga business at household employers na magbabayad sana noong Nobyembre at Disyembre ay binibigyan ng pagkakataon na magbayad hanggang katapusan ng buwan; gayundin sa mga coverage and collection partners (CCPs),self-employed, voluntary, non-working spouse (SE/V/NWS) members, at land-based Overseas Filipino Worker (OFW) membersna magbabayad sana noong Oktubre hanggang Disyembre.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Saklaw ng direktiba ng SSS angRegion IV-B (MIMAROPA),Region VI (Western Visayas),Region VII (Central Visayas),Region VIII (Eastern Visayas),Region X (Northern Mindanao),Region XIII (CARAGA).

“We have seen the adverse effects brought by Typhoon Odette to our fellow citizens last December. Through this extension, we aim to alleviate the worries of our members, employers, and CCPs in the affected areas by helping them to not miss their contribution payments or avoid the penalties of late payments,” pagbibigay-diin pa ni Ignacio.