Inabisuhan ng isang kumpanya ng langis ang mga motorista sa posibleng pagpapatupad ng dagdag na presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng Unioil Petroleum Phils., posibleng madagdagan ng mula ₱1.00 hanggang ₱1.10 ang presyo ng kada litro ng diesel at mula ₱1.10 hanggang ₱1.20 kada litro naman sa gasolina.

Naging sistema na ng mga kumpanya ng langis na magpatupad ng dagdag-presyo sa kani-kanilang produkto kada Martes.

Matatandaang huling nagtaas ng presyo ng gasolina at diesel ang mga oil companies nitong Pebrero 8.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga