Hindi pa rin naitawid ni Kai Sotto sa panalo ang kanyang koponang Adelaide 36ers laban sa Brisbane Bullets, 77-73 sa pagpapatuloy ng National Basketball League (NBL) nitong Biyernes.
Naka-anim na puntos lamang si Sotto, limang rebounds at isang steal habang nakakuha ng double-double ang kakamping Daniel Johnson,15 puntos at 12 rebounds.
Sa pagkakatalo ng 36ers, lalo pang bumaba ang kartada nito sa 4-7 habang ang Brisbane ay nasa 5-7, panalo at pagkatalo, ayon sa pagkakasunod.
Umungos pa ang Adelaide, 70-63, sa nalalabing 3:46 sa final period, gayunman, nagpakawala ang Bullets ng 12-0 run kaya naibalik sa huli ang kalamangan, 75-70.
Tatlong puntos na lamang ang naidagdag ng 36ers sa kanilang iskor at dinagdagan naman ng kalaban ang kalamangan hanggang sa matapos ang laro.
Huling nanalo ang Adelaide laba sa Melbourne United, 88-83 sa isang overtime nitong Pebrero 2.