Trending topic sa Twitter ang Kapamilya actor na si JC de Vera dahil sa kanyang pagsagot sa ilang netizens na nagsasabing supporter siya ni presidential aspirant Bongbong Marcos Jr. 

Nag-ugat ito dahil sa mga larawang ipinost niya sa kanyang official Facebook page na naka "peace sign." 

screengrab mula sa Facebook post ni JC de Vera

Ang peace sign ay madalas na ginagamit ni BBM sa tuwing siya ay nangangampanya at ito rin ang ginagamit ng kanyang mga taga suporta-- kaya't napagkamalan ng ilang netizens na BBM supporter ang aktor.

Isang salita na "nope" o hindi ang sinagot ni JC sa mga komentong nagsasabing BBM supporter siya.

Samantala, certified "kakampink" si JC.

Sa kanyang Facebook myday nitong Biyernes, Pebrero 11, ibinahagi niya ang screenshot ng kanyang Instagram story na may larawan ni Vice President Leni Robredo at may nakalagay na "She's my PRESIDENT" at sticker na LET LENI LEAD.

screenshot mula sa FB myday ni JC de Vera

As of this writing, umabot na sa 2,517 tweets ang pangalan ng aktor.