Walang nanalo sa halos ₱50 milyong jackpot ng 6/58 Ultra Lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes nitong Biyernes ng gabi.

Sa pahayag ng PCSO, walang nakahula sa winning combinations na 49-45-03-13-39-57 na may katumbas na premyong ₱49,500,000.

Dahil dito, inaasahan ng PCSO na madagdagan pa ang nabanggit na jackpot sa susunod na draw nito sa Martes, Biyernes at Linggo.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga