Inanunsyo ni Southern Police District (SPD) chief, Brig. Gen. Jimili Macaraeg ang pagkakasabat sa 508 gramo ng iligal na droga na na nagkakahalaga ng ₱3,454,400 sa Muntinlupa City nitong Pebrero 10 na ikinaaresto ng apat na suspek.

Kinilala ang mga ito na sina Marco Anthony Panibe, 30, driver; Romnick Misloso, 22, vendor; Ernesto Landing Jr. 25, construction worker; at Dreyven Aubrey Velasco, 21, sales lady.

Sa report ng pulisya, ang apat ay inaresto ng mga tauhan ng SPD at Muntinlupa City Police sa Block 6, Lot 37, Phase 4, Brgy. Southville 3 Poblacion dakong 8:20 ng gabi.

Nasamsam ng pulisya ang nasabing iligal na droga at marked money. Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga pulis upang matukoy ang iba pang kasabwat ng sindikato.

Metro

Iskedyul para sa Undas, maagang inilabas ng Manila North Cemetery

Sasampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek, ayon kay Macaraeg.

Bella Gamotea