Puntirya ngayon ng gobyerno na makapagpabakuna ng 70 milyong Pinoy hanggang sa susunod na buwan.

Ito ang inihayag ni Dr. Ted Herbosa, special medical adviser ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, at sinabing mahalagang maabot ang nasabing bilang upang makamit ang tinatawag na population protection sa bansa.

“So very important maabot natin by March 31 iyong 70 million or 70 percent ng ating population para fully vaccinated," pahayag ni Herbosa sa isang virtual interview sa isinagawang Laging Handa briefing.

Aniya, sinimulan na ng pamahalaan ang ikatlong "Bayanihan, Bakunahan" massive vaccination drive nitong Huwebes, upang makapagturok ng aabot sa limang milyon hanggang Biyernes.

National

Apollo Quiboloy, naghain ng COC sa pagkasenador: ‘Dahil sa Diyos at Pilipinas’

PNA