Tuluyan nang ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) 1st Division ang disqualification case laban kay presidential aspirant Ferdinand Marcos, Jr.

Ito ang kinumpirma ni Comelec Spokesman James Jimenez nitong Huwebes, Pebrero 10.

Tinukoy ni Jimenez ang consolidated petitions nina Bonifacio Ilagan, Abubakar Mangelen, at Akbayan.

Paliwanag nito, walang "sapat na merito" ang mga petisyong nagpapa-disqualify kay Marcos.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Nauna nang iginiit ng mga nagpetisyon, hindi dapat na payagang tumakbo sa halalan si Marcos dahil nahatulan na ito sa paglabag nito sa Internal Revenue Code na may katumbas na hatol na pagbabawal na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Binanggit nila na noong 1995, na-convict na ng Quezon City Regional Trial Court si Marcos dahil sa hindi paghahain ng income tax returns mula 1982 hanggang 1984.

Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang hatol ni Marcos, gayunman, tinanggal ng hukuman ang hatol nito na pagkakakulong. Anila, hindi iniapela ni Marcos ang desisyon.

"Contrary to petitioners' assertion, the penalty of perpetual disqualification by reason of failure to file income tax returns was not provided for under the original 1977 NIRC," ayon sa 41 pahinang resolusyon na ipinonente ni Commissioner Aimee Ferolino.

"To be clear, the penalty of perpetual disqualification came into force only upon the effectivity of PD 1994 on 01 January 1986," dugtong nito.

Ipinaliwanag sa ruling na ang nasabing parusa ay hindi maaaring gamitin sa paglabag ni Marcos sa tax code na naganap bago pa magkabisa ang naturang batas.

"The petitioners said that despite its omission from the trial court and Court of Appeals decisions, the penalty of perpetual disqualification was 'deemed written therein.The contention lacks merit.A penalty that would deprive a citizen of his political right to be voted for in an election should be clearly, unequivocally, and expressly stated in the decision," paglilinaw ng nabanggit na desisyon.

Binanggit din sa ruling na hindi isang krimeng may kaugnayan sa moral turpitude ang pagkabigo ni Marcos na maghain ng income tax returns noong 1982 hanggang 1985.