Sinimulan na ang pagdedeploy ng mga election-related equipment, peripherals, forms at mga suplay na gagamitin sa May 2022 National and Local Elections.

Sa isang pahayag, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na ang mga election items ay patuloy na dinedeploy mula sa kanilang warehouse sa Sta. Rosa, Laguna patungo sa lokal hubs sa buong bansa at kinabibilangan ng mga external na baterya ng vote counting machine (vcm), hanggang Marso 31, at ballot boxes, hanggang Abril 10.

Saad din ng poll body na ang mga non-accountable forms at supplies ay idedeploy sa Pebrero 16 mula sa Comelec warehouse sa Quezon City patungo sa provincial at city treasurers sa mga prayoridad na lugar.

Samantala, ang mga official ballots at indelible ink mula sa National Printing Office (NPO) ay idedeploy sa city at municipal treasurers sa Abril 20 at Mayo 5.

"Notice has been given to all political parties, political candidates, party-list groups and accredited citizens’ arms of the Commission through the modes mandated by law.” anang Comelec.

Leslie Aquino