Isang barangay tanod na itinuturing na Top 1 most wanted person dahil sa kasong pagpatay ang naaresto ng mga awtoridad sa sa Pandacan, Manila nitong Miyerkules ng hapon.

Nakilala ang naarestong suspek na si Edgar Delingon Gutierrez, 54, at residente ng 1932 Obesis St., Brgy. 844, Pandacan.

Batay sa ulat ng Pandacan Police Station 10 (PS-10) ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong alas-4:15 ng hapon nang maaresto ang suspek sa Barangay 844, sa Pandacan.

Siya ay dinakip ng mga tauhan ng MPD-PS-10, sa pangunguna ni PLT Arniel Buraga kasama ang SIB tracker team at warrant section na pinamunuan naman ni PMAJ Geo Colibao, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Hon. Eduardo Ramon Roldan Reyes, Presiding Judge, ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 15, noong Pebrero 7, 2022.

National

Rep. Castro may birthday message kay FPRRD: 'Magpalakas kayo para maharap ninyo ang kaso'

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Sa ibinigay na backgrounder ng MPD, lumilitaw na si Gutierrez ay kanang kamay ni Barangay Chairman Edmundo Tojon at Brgy. Ex-O Larry Mirasol ng Brgy. 844, na sinasabing nangungolekta ng umano’y drug money protection at itinuturing na High Value Targets (HVT) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Mary Ann Santiago