Magkaibang presidential aspirants ang sinusuportahan ng mga nanay ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o mas kilala bilang KathNiel.

Certified “kakampink” ang ina ni Kathryn Bernardo na si Luzviminda Bernardo o mas kilala bilang Min Bernardo.

Makikita sa kanyang Twitter account ang pagsuporta niya kay presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.

Nitong Pebrero 7, ibinahagi niya ang kulay pink na larawan na mayroong pink na rosas sa ibaba.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

May kalakip din itong hashtag na #KulayRosasAngBukas– na official hashtag para sa kampanya ni Robredo.

Kapansin-pansin din na nireretweet ni Bernardo ang mga Twitter post tungkol sa bise presidente.

Samantala, si Ferdinand "Bongbong" Marcos naman ang sinusuportahan ni Karla Estrada, ina ni Daniel Padilla. 

Sa proclamation rally ng Marcos-Duterte tandem ngayong Martes, Pebrero 8, kinantahan ni Estrada ang mga supporters ni BBM.

screengrab: UniTeam/FB LIVE

Si Karla Estrada ay 3rd nominee ng party-list group ng Tingog Sinirangan na sumusuporta Marcos-Duterte tandem.

Matatandaan na bumoto laban sa renewal ng ABS-CBN franchise si Tingog Sinirangan Rep. Yedda Romualdez.