Kumakalat ang mga bali-balita sa umpukan ng mga Marites na matapos raw ang nakaambang paglipat umano ni Willie Revillame sa bagong TV network ng dating senador na si Manny Villar, may plano raw na 'sulutin' mula sa kani-kanilang affiliated networks sina Mr. Johnny Manahan o Mr. M at si Freddie M. Garcia o FMG.

Batay sa ulat ng isang pahayagan, target umano na i-recruit sina Mr. M na dating chairman emeritus ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, na ngayon ay consultant na sa Sparkle GMA Artist Center, at ang dating presidente ng ABS-CBN na si FMG.

'It's a no' raw para kay Mr. M dahil kasisimula pa lamang niya sa GMA Network at kakalunsad pa lamang nila ng Sparkle na may layuning pasikatin nang husto ang mga GMA artist.

Kay FMG naman, parang mas malabo raw dahil miyembro ng ABS-CBN board of directors at consultant para sa radio and television broadcasting ang ginoo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, wala pa umanong kasiguraduhan ang balitang ito. Wala pang tugon o pahayag si Villar, si Mr. M, o si FMG tungkol sa mga kumakalat na isyu.