Sa kabila ng kawalan ng puntos ni Kobe Paras, nagawa pa ring pataubin ng koponan nitong Niigata Albirex BB ang Gunma Crane Thunders, 96-79 sa kanilang laban sa Japan B.League sa City Hall Plaza Aore Nagaoka nitong Linggo.

Mintis ang apat na tira ni Paras, gayunman, nakakuha pa rin ito ng dalawang rebounds at isang assist sa 16 minutong paglalaro nito kaya nakatatlong panalo na ang koponan nito sa huling limang laro na ikinalaglag ng mga ito sa 5-29 panalo-talo.

Nag-ambag ang teammate nitong si Rosco Allen ng 20 puntos, 11 rebounds at pitong assist para Niigata na nagawa pang umungos ng 20 puntos, 73-53 matapos ang third quarter.

Nagawa pang dumikit ng Gunma, 80-73 sa nalalabing 5:06 ng huling yugto ng laban, gayunman, dinagdagan pa ng Aniigata ang kanilang kalamangan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Susunod na makakalaban ng Niigata ang Akita Northern Happinest sa Noshiro City Gymnasium sa Marso 5.