Pinuri ng aktres na si Agot Isidro ang 'accountability' ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa pagdalo sa ginanap na 'Panata sa Bayan', ang presidential forum na isinagawa ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas o KBP, katuwang ang iba pang mga media outlet sa bansa.

Kalakip ng tweet ni Agot ang tweet naman ni VP Leni na humihingi ng dispensa dahil sa mabagal na internet connectivity habang isinasagawa ng forum.

"I apologize for the bad connectivity during the forum. The fault is all mine," ayon sa pahayag ni VP Leni.

Eleksyon

11 senatorial aspirants ng Makabayan, sabay-sabay naghain ng COC

Screengrab mula sa Twitter/Leni Robredo

Screengrab mula sa Twitter/Leni Robredo

"Our team tried hard to convince me to cancel all other engagements, pero pinilit ko pa rin hanapan nang paraan to fulfill all our commitments, dahil alam kong naghihintay yung communities na pupuntahan namin, para maihatid yung tulong na pabahay bago magstart ang campaign period."

"Again, our apologies. Maraming lessons learned. We will do better next time."

"P.S. Sa hina ng internet, sa landline ko pinapakinggan yung audio," saad pa ni VP Leni.

Pinuri naman ito ni Agot na isang certified Kakampink at tagasuporta ng pangalawang pangulo sa kandidatura nito sa pagkapangulo. Aniya, kahanga-hanga ang accountability nito.

"Accountability. She knows that the buck stops with her. Hindi ipapasa ang responsibilidad, hindi gagawa ng excuse."

"Yan and Presidente ko (dalawang heart). Last man standing is a woman sa 2022," pahayag ni Agot.

VP Leni Robredo (Screengrab mula sa Twitter/Agot Isidro)

Sumang-ayon naman dito ang iba pang mga netizen.

"ACCOUNTABILITY. You have my utmost respect, VP Leni. Just you showing up despite the challenges and conflict in schedule is enough for us. We couldn't ask for a better candidate than you."

"The ability to listen, learn, and adapt are some of the most important qualities of the much needed leader of this country. Samahan pa ng assertive humility & strategic intent that benefits the multidimensional aspects of the country's needs & we have a perfect fit for the job."

"No worries po, VP Leni. You were the epitome of grace and strength under pressure. While your internet connection was bad as hell, your vision for the country was clear and it came across like a good light straight from heaven! You’re our only hope! Continue to be an inspiration!"

Samantala, nanawagan din siya sa KBP para naman kay presidential aspirant Bongbong Marcos o BBM na umani ng kritisismo mula sa mga netizen dahil sa hindi pagdalo sa naturang forum, dahil umano sa 'conflict of schedules'.

"Dear #KBPForum,"

"I hope you will still provide a chair for Mr. Marcos during the forum tomorrow, in the event he changes his mind."

"Para naman his presence or absence will be felt."