Iniulat ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) nitong Linggo na nasa 65.6% na ng mga batang nahahanay sa 12-17 age group ang bakunado na laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito’y mula noong Nobyembre 2021 kung kailan sinimulan ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination sa mga batang kabilang sa naturang age group.

“We are happy to report na maganda naman ang coverage natin sa ating rest of pediatric population,” ayon kay Health Undersecretary at National Vaccines Operation Center (NVOC) head Myrna Cabotaje.

“Naka-77 percent na tayo ng first dose so 8.8 million out of 11.4 million, tapos mga 65.6 percent na rin ang ating second doses,” aniya pa.

National

Erwin Tulfo, binisita si ex-VP Leni sa Naga

Nilinaw din ni Cabotaje na sa mga batang may comorbidity, nasa 23% pa lamang o 299,000, mula sa kabuuang 1.2 milyon, ang fully-vaccinated na dahil nag-aatubili ang kanilang mga magulang na pabakunahan sila dahil sa kanilang karamdaman.

Mary Ann Santiago