Kinumpirma na nga ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial ang bulung-bulungang hiwalay na sila ng nobyong si Diego Loyzaga, sa panayam sa kaniya ng TV Patrol noong Biyernes, Pebrero 5.

Hindi na nagbigay ng anumang detalye si Barbie kung bakit sila naghiwalay, pero aniya, naging maayos naman daw ang kanilang pag-uusap.

Sa pagiging hurado ni Barbie sa 'Sexy Babe' ng It's Showtime, tinanong siya ng host na si Vice Ganda kung kumusta na ba siya. Makahulugan naman ang naging sagot ni Barbie na maayos naman daw siya. Pagkatapos, may hirit naman si Vice na kaya raw pumayag na maging hurado ang aktres dahil nais nitong maging busy. Tila may makahulugan itong pinatutungkulan.

Iniintriga ng mga netizen na hiwalay na ang mag-jowang sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga bago pumasok ang 2022 dahil sa mga kakaiba nilang galawan sa social media accounts nila. Napansin ng mga netizen na kung dati ay panay post ang dalawa ng mga litrato nila nang magkasama at sweet na sweet sa isa't isa, bakit naman sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ay wala silang picture together?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/03/barbie-may-ibinidang-bago-diego-nasaan-na/

Ang huling Instagram posts ng dalawa na magkasama sila sa isang frame ay noong Disyembre 12, kung saan sinorpresa ni Diego si Barbie para sa kanilang unang anibersaryo bilang mag-love birds. Kilig to the max ang mga tagahanga nila dahil makikita talagang todo-effort si Diego; magandang set-up sa harapan ng beach na kitang-kita ang paglubog ng araw ang peg ng kanilang selebrasyon.

Sa presscon ng pelikula ni Diego na 'The Wife', hindi rin naringgan si Diego tungkol kay Barbie. Ipinaliwanag lamang niya kung bakit hindi ito nakasama sa kaniyang trip sa US. Aniya, sa palagay niya ay walang visa si Barbie para makarating doon.

"I came here all of a sudden and it wasn't planned. I don't think Barbie has a blue passport. I booked my flight a day before I left. Even if she wanted to come here, she couldn't have come here. She needs a visa to come here, I think," pahayag ni Diego.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/24/diego-loyzaga-may-pa-pwet-sa-pelikula-tikom-pa-rin-tungkol-sa-kanila-ni-barbie/

Noong Enero 26 naman, isa sa mga naging paksa ng 'Ogie Diaz Showbiz Update' ang umano'y bali-balitang hiwalay na nga raw ang mag-jowa. May mga netizen raw na kumukuwestyon sa naging pahayag ni Diego na hindi nito alam kung may visa ba si Barbie. Bakit daw ba 'I think' ang sinabi nito, hindi raw ba sila nag-uusap?

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/26/barbie-at-diego-posibleng-hiwalay-na-raw/

"Mayroon lang pong nagpadating sa akin na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, ang kanilang relasyon ay kung saan na napunta. Ang sabi lang sa akin ay waley ba daw? Ang nabalitaan natin ano, dahil nag-away daw itong si Barbie at si Diego tapos ang sabi ay mamili lang daw si Diego kung ‘Itutuloy pa ba natin ito o hiwalay na?’ Eh parang nanalo ata ‘yung hiwalay na," sey pa ni Ogie.

“Sana sila pa rin pero kung hindi na talaga nila ma-take ang isa’t isa… sana ang ending pa rin ay magkaibigan pa rin sila. After all, may pinagsamahan pa rin naman sila," dagdag pa ni Ogie.

Nanghinayang ang mga tagahanga nila dahil naging bongga pa naman daw ang pa-surprise ni Diego kay Barbie sa una nilang anibersaryo, tapos mauuwi lamang daw sa hiwalayan? Marami tuloy ang naiintriga tungkol may bahid-katotohanan ang mga chismis na isiniwalat ni 'Pambansang Lalaking Marites' Xian Gaza patungkol sa kanilang relasyon, kung saan nadawit pa ang sexy actress na si AJ Raval.

Ang huling pelikulang pinagtambalan nina Diego at Barbie ay 'Dulo' na mapapanood sa Vivamax.