Handa na ang mahigit sa 6,000 na paaralan para sa pagsasagawa ng pinalawak na limited face-to-face classes sa buong bansa, ayon sa pahayag ng Department of Education (DepEd).

Sa isang virtual press briefing nitong Biyernes, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones, aprubado na ang mga patakaran upang maipagpatuloy ang limited face-to-face classes.

Tapos na rin aniya ang DepEd sa kanilang imbentaryo ng mga paaralang handa na sa pagpasok ng mga estudyante.

Ipinaliwanag naman ni DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma, nasa 6,347 na eskuwelahan ang itinuturing nilang naghihintay na lamang sa implementasyon ng expansion phase ng limited face-to-face classes batay na rin sa Alert Level Classification alinsunod na rin sa Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution 159-A.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Ang mga paaralang kasali sa face-to-face ay nasa Metro Manila, Region 2, Region 3 at Region IV-A.

Binigyang-diin din nito na pinahihintulutanng DepEd na magdesisyon ang mga regional director kaugnay ng patakaran sa pagpapatupad ng pinalawak na limited face-to-face classes.

“Di na kailangan ng go signal from the Central Office, as long as the schools are qualified under SSAT [School Safety Assessment Tool],” paglilinaw pa ni Garma.

Merlina Malipot