Ibinahagi ni Korina Sanchez-Roxas sa kanyang Instagram ang kanilang larawan nipresidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa naganap na interview para sa Rated Korina.

Kumalat sa social media ang mga larawan ni BBMna nagluluto at nakipanayam kay Korina kaya'tumalma ang mga netizen na inuna umano ito ni BBM kaysa live KBP forum na ginanap nitong Biyernes.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Basahin:https://balita.net.ph/2022/02/04/bbm-hindi-nakadalo-sa-kbp-forum-inuna-si-korina/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/02/04/bbm-hindi-nakadalo-sa-kbp-forum-inuna-si-korina/

Sa post ni Korina nitong Biyernes, ibinahagi niya ang mga sample questions na kanyang tinanong sa dating senador.

Ang ilan sa mga naging katanungan:

  • You may swear to the 1987 constitution if you win, a departure from your father’s 1973 Constitution. Mag charter change ka ba?
  • Are you a dictator?
  • Will your wife Lisa be anything like Imelda Marcos?
  • Was history revised because of your trolls?
  • How much like your father’s presidency will your presidency be if you win?
  • Are you disqualifiable?Handa ka na kapag nanalo ka posible parin you are disqualified and Sara Duterte assumes presidency?
  • More than one Marcos in government. Will you support anti-dynasty bills?
  • Drugs. Do you do drugs?What will be your policy on drugs and on corruption?

Ibinahagi rin ni Korina na nagluto sila ni BBM ng pinakbet at bagnet Ilocos style.

Samantala, klinaro niya na ang team ni BBM ang pumili ng oras at petsa ng interview kaya't wala umano silang choice.

"To be clear: When we invited BBM it was his team who chose the time and date. We had no choice," aniya.

Tampok din sa special segment ng Rated Korina na “Ang Upuan ng Katotohanan” sina Senador Ping Lacson, dating Senador Bongbong Marcos, Manila Mayor Isko Moreno, Senador Manny Pacquiao, at Vice President Leni Robredo. 

Nakatakda itong ipalabas sa Pebrero 5. Mapapanood ito sa A2Z Channel 11 (5PM), TV5 (7:30PM), at Kapamilya Channel (10:30PM). Sa Pebrero 6 naman, mapapanood ito sa OnePH (7PM).