Nanindigan angMalacañang na nananatili pa ring "healthy" si Pangulong Rodrigo Duterte kahit 76-anyos na ito.

Ito ang paglilinaw ni acting presidential Spokesperson Karlo Nograles matapos niyang isapubliko nitong Huwebes na sumailalim sa quarantine ang Pangulo matapos malantad sa isang COVID-19 positive kamakailan.

Pagkatapos aniya nito, sumailalim sa regular check up si Duterte alinsunod na rin sa rekomendasyon ng kanyang doktor.

"Okay naman si Pangulo.He is as healthy as any healthy individual at his age could be," aniya.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Hindi na aniya pinatagal ang pagsasailalim sa quarantine kay Duterte batay na rin sa payo sa kanya ng doktor dahil hindi naman nito nakasalamuha ang kanilang household staff.

"Upon the assessment of the physician, even if another household staff tested positive [for COVID-19] last Sunday, the President was not in close contact as per the circumstances.That is why his quarantine was cut short and ended yesterday, February 3," paliwanag ni Nograles nitong Biyernes.

Nitong Huwebes, isinapubliko ni Senator "Bong" Go ang larawan nila ni Duterte na naka-personal protective equipment habang nakasuot ng face mask, kasama ang doktor ng Pangulo.

Huling lumantad sa publiko si Duterte sa kanyangTalk to the People address nitong Enero 24.