Lalarga na ang ikatlong bugso ng 'Bayanihan, Bakunahan' campaign ng gobyerno sa Pebrero 10, ayon sa Department of Health (DOH).

Nilinaw ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na layunin ng COVID-19 vaccination drive na mapalawak pa ang masasaklawang lugar na mababa ang bilang nagpapabakuna, lalo na sa mga senior citizens.

"It should be nationwide but we will prioritize the areas that need an additional boost to increase their vaccination coverage," sabi nito sa isang pulong balitaan.

"We are doing it on February 10 and 11 nationwide to encourage those who have yet to receive their first dose as well as boosters. It's important to ramp up our vaccination for A2 and A3 priority groups," pahayag ni Cabotaje.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Matatandaang isinagawa ang unang 'Bayanihan, Bakunahan' campaign ng pamahalaan noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 3 kung saan nasa 9.9 milyon ang naturukan.

Sinundan naman ito ng ikalawang yugto ng malawakang pagbabakuna noong Disyembre 16-17 kung saan naiturok ang 7.4 milyong bakuna.

Sa kasalukuyan, aabot na sa 59,389,08 ang bakunado na sa bansa habang hinihintay pa ng 60 milyon ang kanilang 2nd dose.

PNA