Tinanggap na ng Philippine government ang paunang 442,000 respirator face masks na donasyon ng Canada bilang suporta sa mga health care workers na nangunguna sa paglaban sa pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang nabanggit na donasyon ay bahagi ng 837,000 na respirator masks na nagkakahalaga ng ₱136 milyon na naunang ipinangako ng Canadian government sa Pilipinas.

Nitong Biyernes, pormal na idiniliber ni Canadian Ambassador to the Philippines Peter MacArthur ang 442,000 bahagi ng face mask sa Department of Health Main Office sa Maynila.

Noong Setyembre 2020, nagbigay din ang Canadian government ng 120,000 N95 mask sa DOH.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'