Isang bagong-tatag na grupo ng mga kababaihang opisyal ng lokal na pamahalaan sa buong bansa ang sumusuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa mga eleksyon sa Mayo 2022, dagdag sa dumaraming listahan ng mga tagasuporta na nagpatunay sa kanyang track record at integridad bilang presidential aspirant.
Sa isang virtual event sa Facebook, nagtipon-tipon ang mga lider ng kababaihan para sa paglulunsad ng Pinunong Pinay Power o PPP, isang grupo ng mga alkalde, bise-alkalde at konsehal ng mga lungsod, munisipyo kabilang ang mga opisyal ng barangay at kababaihang naghahangad ng public office.
“Ang magiging focus nating mga Pinunong Pinay ay patuloy na ipakita, ipahayag, at isabuhay ang mga values ni VP Leni para mas masiguro nating tama ang landas na tatahakin natin sa darating na halalan,” sabi ni Tuguegarao Councilor Marj Martin-Chan, isa sa mga convenor ng PPP.

Pinuri ng grupo si Robredo at ang kanyang tanggapan para sa kanilang mga inisyatiba na tumulong sa iba't ibang komunidad mula noong 2016, gayundin ang pagsasagawa ng mga programa sa pagtugon sa COVID-19 mula noong sumiklab ang virus noong Marso 2020.
Binanggit din ng PPP ang mga planong pangkalusugan at pang-ekonomiya ni Robredo tulad ng “Kalayaan mula sa) COVID” at “Hanapbuhay para sa lahat,” na pinaniniwalaan nilang “well-crafted solutions” na tutugon sa pinaka-nangungunang isyu sa bansa.
Pinuri rin ng mga babaeng lider kung paano nakipagtulungan ang Bise Presidente, sa kabila ng limitadong badyet at mandato ng kanyang opisina, sa pribadong sektor at civil society groups sa pagbibigay ng tulong sa mga tao.
Sa online launch, ang mga kababaihang opisyal ng lokal na pamahalaan ay nagbigay ng kanilang mga testimonya tungkol sa integridad at husay ni Robredo bilang isang pinuno.
“She has no breaks, she has no walls, she goes directly to the people,” sabi ni Alcala, Cagayan Mayor Tin Antonio habang inalala na si Robredo ang unang rumesponde nang humagupit ang bagyo sa kanyang lokalidad.
Inilarawan ni Mayor Trina Firmalo-Fabic, ng Odiongan, Romblon, si Robredo bilang isang “warm, caring, detail oriented, strong, and determined” leader na may “mother’s touch.”
“I believe that with Leni Robredo leading us we can work towards transformative governance that truly cares about the people,” aniya.
Nanawagan din si Antonio sa mga kababaihang Pilipino na suportahan ang panukalang pagkapangulo ni Robredo: “Sana ang ating mga kababaihan ay maging very vocal sa pagsuporta ng brand of leadership ni VP Leni…VP Leni is the leader we need and is ready to be the next President of our country.”
Ibinahagi rin ng iba pang kababaihang lokal na opisyal ang kanilang mga personal na pahayag ng suporta kay Robredo. Kabilang sa mga ito sina Dinagat Islands Gov. Arlene “Kaka” Bag-ao; Oras, Eastern Samar Mayor Vivian Pugal-Alvarez; Quezon City Councilor Lena Marie “Mayen” Juico; at Tabaco City, Albay Mayor Cielo Krisel Lagman-Luistro.
Raymund Antonio