Kahit si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ay nabiktima rin ng pekeng food order nitong Miyerkules, ang huling araw nito sa trabaho sa nasabing ahensya ng gobyerno.
Umabot sa anim na food delivery riders ang dumating sa Main Office ng Comelec sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila.
Gayunman, dismayado ang mga riders nang matuklasan na wala namang ino-order na pagkain si Guanzon o opisina nito.
Naiulat na halos P5,400 na halaga ng pagkain ang inorder gamit ang pangalan ni Guanzon.
Matatandaang naging kontrobersya si Guanzon nang paratangan ang kasamahang si Commissioner Aimee Ferolino na sinadyang iantala ang pagpapalabas ng desisyon sa disqualification case laban kay presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. kamakailan.
Isinapubliko rin nito ang kanyang boto na nagdi-disqualify kay Marcos dahil sa "moral turpitude" issue matapos umanong mabigong magbayad ng income tax returns mula 1982 hanggang 1985. Si Marcos ay nahatulan ng hukuman noong 1995sa kasong tax evasion case.