Inaasahang darating sa bansa sa Pebrero 3, ang 780,000 doses ng Pfizer vaccine laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) para sa mga edad 5-11.
Sinabi ng Department of Health (DOH), gagamitin ang nasabing bakuna sa pag-uumpisa ng vaccination program ng gobyerno para sa 5-11 age group sa Pebrero 4.
“Meron na tayong flight manifest ng pagdating ng 780,000 doses as initial supply or delivery dito sa ating bansa nitong reformulated Pfizer vaccine para sa five to 11-years-old,” sabi ni Maria Rosario Vergeire sa isang pulong balitaan nitong Miyerkules.
Aabot aniya sa 15.48 milyon ang mga batang nasa nabanggit na age group sa Pilipinas.
Paglilinaw ni Vergeire, ligtas at mabisa ang COVID-19 vaccine para sa mga bata.
“The vaccines are safe, effective, and free for all Filipinos—including children.Many countries, including the USA, Australia, Singapore, and those in the EU (European Union) already began vaccinating young children. A study in the USA showed that no severe side effects have been reported in Pfizer-vaccinated children aged five to 11,” pahayag pa nito.
Analou de Vera