COPENHAGEN, Denmark — Ang sub-variant ng nakakahawang Omicron coronavirus strain ay mas nakakahawa kaysa sa orihinal na bersyon, ayon sa isang Danish study na inilathala noong Lunes.

Ang sub-variant na BA.2 — tinatawag ding “stealth Omicron” — ay natukoy noong unang bahagi ng taong ito at naungusan ang unang variant ng Omicron, na kilala bilang BA.1, dominant strain sa Denmark.

Ang isang taong nahawaan ng BA.2 ay may 39 porsiyentong pagkakataon na maipasa ang virus sa ibang tao sa kanilang sambahayan sa loob ng isang linggo, kumpara sa isang 29 porsiyentong panganib ng BA.1, sinabi ng SSI health authorities ng Denmark sa isang pahayag.

Ang pag-aaral ng mga mananaliksik ng SSI at mga unibersidad sa Denmark ay kinasa sangkot ang 18,000 katao sa pagitan ng Disyembre 20, 2021 at Enero 18 ngayong taon.

'May pinatatamaan?' Mocha Uson, bumoses sa 'freedom of expression'

Sinabi ng doktor ng SSI na si Camilla Holten Moller na ang BA.2 ay mas nakahahawa sa mga taong hindi bakunado kaysa sa BA.1.

Ang mga ganap na bakunado, lalo na ang mga nakatanggap ng booster dose, ay mas mataas ang tsansa na hindi madapuan ng strain, idinagdag niya.

Nauna nang sinabi ng SSI na ang BA.2 ay isa-at-kalahating beses na mas nakahahawa kaysa sa BA.1, ayon sa paunang datos.

Sinusubaybayan pa rin ng mga siyestista ang transmissibility ng sub-variant at ang kalubhaan ng sakit na dulot nito, ngunit iminumungkahi ng international data na maaari itong kumalat nang mabilis.

Ang Denmark nitong Martes ay magiging kauna-unahang bansa sa Europian Union na mag-aalis ng lahat coronavirus restrictions sa kabila ng record case numbers, dahil sa mataas na vaccination rate nito at ang mas mababang kalubhaan ng Omicron.

Ang orihinal na variant ng Omicron ay unang nakita sa South Africa noong Nobyembre 2021 at mula noon ay naging dominant strain na ito sa mundo.

Agence-France-Presse