Isa si Heart Evangelista sa mga Pinay celebrity na dumalo sa Paris Fashion Week, na inorganisa ng mga naglalakihang fashion brands kabilang na ang Dior, Balmain, Victor Rolf, Chaumet, Schiaparelli, Tony Ward, at marami pang iba. Naispatan din dito ang mga kaibigang sina Anne Curtis at Solenn Heussaff.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/28/in-photos-heart-evangelista-pasabog-ang-awrahan-sa-paris-fashion-week-2022/

Kung kadalasan ay kasama ni Heart ang kaniyang buong glam team sa mga nagdaang Paris trips, ito ang kauna-unahang pagkakataon na lumipad mag-isa ang Kapuso actress-socialite sa Europa para dumalo sa naturang big event para sa fashion industry, na taon-taon ginagawa.

Ngunit sa kaniyang latest tweet, tila imbyerna si Heart.

Events

ShuKla, reresbak? 10 Duo House Challengers, papasok sa Bahay ni Kuya

"You guys should change your vibe," saad ni Heart. Ni-retweet niya ang isang art card mula sa isa sa mga sikat na pahayagan sa Pilipinas na ang tanong ay "Ano'ng sey n'yo, pagrampa ni Heart Evangelista nang walang bra sa Paris Fashion Week?"

Screengrab mula sa Twitter/Heart Evangelista

Tila hindi ito nagustuhan ni Heart kaya naman to the rescue ang mga tagahanga niya.

"Eh kung yung nawawalang pera kaya ng PhilHealth hanapin n'yo kaysa 'yang bra ni Heart? 'No??"

"Paris po 'yung pinuntahan niya hindi province of Philippines. Oh alam na this okay?"

"It's her body, leave her alone. She can wear whatever that give comfort to her. Stop that oh soo conservative mindset. Wag nalang tayo masyadong pakialamera sa buhay ng ibang tao!!!"

"Daming ingay. Si Sen. Chiz nga walang hanash… makareact yung iba…"

Samantala, wala pang balita kung hihingi ba ng dispensa ang tabloid kay Heart.