Naantala na naman ang paglalabas ng COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) nitong Sabado, Enero 29 matapos na pumalya muli ang COVIDKaya system ng ahensya.

Sa public advisory ng tanggapan ni DOH Secretary Francisco Duque III, mula sa dating 4:00 ng hapon ay 8:00 na ng gabi mailalabas ang case bulletin hinggil sa mga datos sa COVID-19.

“Due to recent technical issues in COVIDKaya, the case bulletin will be released at 8:00PM.The schedule of release shall revert back to 4:00PM once technical issues are resolved.Rest assured that the DICT is addressing issues with COVIDKaya,” anito pa.

Mary Ann Santiago

National

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon