Pansamantalang isinara ng Supreme Court ang mga hukuman sa anim na lalawigang isinailalim sa Alert Level 3 bunsod na rin ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa abiso ng Korte Suprema, ang mga ito ay kabilang sa first at second level courts na nasa Palawan, Camiguin, Davao Occidental, Dinagat Islands, Tawi-Tawi, at Sulu.

Alinsunod sa mga panuntunan ng Korte Suprema, suspendido ang in-court hearings para sa mga hukuman na nasa Alert Level 3 na lugar.

Tanging ang pinapayagan ay videoconferencing hearings sa mga urgent matters.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Maaari lang ma-contact ang mga apektadong hukuman sa pamamagitan ng kanilang official email address, hotlines, at Facebook page kung mayroon.

Sakaling may urgent matters at kinakailangan na pumunta nang personap sa hukuman ang mga kawani ay pinapahintulutan ang pagpasok on-site, gayunman, limitado lamang ang mga ito at dapat ay wala silang anumang sintomas ng COVID-19.

Beth Camia